XIA copy

PROUD na proud ang production team ng Your Face Sounds Familiar Kids kay Xia Vigor na ginaya si Taylor Swift nitong nakaraang Sabado.

Napansin kasi si Xia ni Perez Hilton.

“This little girl doing @TaylorSwift13 is everything I needed right now!! The ending, though!!” komento ng famous na American blogger.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Humanga maging ang mga kababayan nating Pinoy kay Xia at kanya-kanyang post din sila sa social media.

Kaya nag-trending si Xia nu’ng Sabado at hanggang kahapon ay pinag-uusap ang bagets.

“Charming” naman ang description ni Gary Valenciano kay Xia.

“You bowled me over, parang sinapian ka ni Taylor, you’re beautiful, you moved like her and there’s something about you darling that’s so special,” sabi naman ni Sharon Cuneta.

“Xia, sa Tagalog siguro kasiya-siya kang panoorin,” sabi naman ni Ogie Alcasid na ikinatuwa ng bagets. “Ang galing po nu’n, naisip n’yo ‘yun?” At idinagdag pang, “You’re a show stopper, gustung-gusto kitang panoorin.”

Nalaman din namin na interesado si Ellen Degeneres kay Xia at sa katunayan ay may tumawag na sa staff ng YFSFK at nag-bakcground check sa bagets.

‘Pag nagkataon, lilipad si Xia patungong Amerika para personal na makausap ni Ellen at baka pagharapin pa sila ni Taylor Swift sa show nito.

Pawang magaganda ang feedback sa Your Face Sounds Familiar Kids, hindi kataka-taka na naging habit na naman itong panoorin tuwing Sabado at Linggo.

Congrats sa Team YFSFK. (REGGEE BONOAN)