Nais ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang malawakang pagkalat ng mga maling impormasyon sa social media at papanagutin ang mga responsable rito.

Ayon kay Trillanes, nagiging instrumento ang social media para sa panloloko at manipulasyon para sa personal na interes.

“Instead of being a tool for empowerment, the social media has become a platform for political propaganda, deceit and manipulation, which has been continually abused and misused for the sake of personal or political agenda, at the expense of rational discourse and discussion with the proliferation of the so-called ‘social media trolls’,” sambit ni Trillanes.

Aniya, ang social media ang naglabas ng resulta ng nakalipas na eleksiyon at ang masama rito ay puro mali ang mga impormasyong lumabas.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Aniya, kumikita ng $2,000 kada buwan ang mga taong nasa likod nito.

“Because of social media trolls, the social media is now being used to create fabricated realities through a network of fake social media accounts intended for trolling and spreading of erroneous and misleading news and information,” ayon kay Trillanes. (Leonel M. Abasola)