bong copy

UMAATIKABONG aksiyon ang matutunghayan sa pagbubukas ng 2017 season ng Tanduay Beach Volleyball Challenge sa Linggo (Enero 22) sa twin sand court ng Cantada Sports Center sa Bagumbayan, Taguig City.

Ang torneo ay open competition para sa men’s at women’s divisions. Kabilang ang mga naunang nagpatala ng paglahok ang tambalan nina Marleen Cortel at Amanda Villanueva, gayundin sina Joy Cases at Josemer Tapic ng Air Force.

Inaasahang sasabak ang kabuuang 30 koponan sa dalawang division sa torneo na bahagi ng programa ng Philippine Volleyball Federation (PVF) para mabigyan nang sapat na exposure ang mga kabataan sa beach volleybvall, gayundin sa indoor volleyball development program.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakalaan ang cash prize at dinner gift certificates sa five star Century Park Hotel para sa mga magwawagi.

Sa araw ng mga laro, libre mula sa organizers na sina Tito Boy, Tita Tonnette at Gerald Cantada ang pagkain at inumin. Bukod dito, inihanda rin ang maaliwalas na kapaligiran para sa kaaya-ayang paglalaro ng mga kalahok.

Itinataguyod ang torneo ng Tanduay, sa pangangasiwa ni Lucio ‘Bong’ Tan, Jr at ng Century Park Hotel.