Maaaring imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang umano’y P50-milyon bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI), sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon.

Ito ang naging pahayag ni Drilon matapos mabatid na itinakda na ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite, sa Lunes, Enero 23, ang pagdinig sa umano’y pangingikil ng mga opisyal ng BI sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.

Gayunman, sinabi ni Drilon, na orihinal na naghain ng Senate resolution para sa reorganization ng BI, na maaari ring magsagawa ng kaparehong pagdinig sa usapin ang Senate committee on civil service, government reorganization and professional regulation na pinamumunuan ni Sen. Antonio Trillanes IV.

“What my interest here is to reorganize, to look at the possibility, to look at the structure, and see how we can institute reforms, so that incident that was reported on the bribery could be avoided,” paliwanag ni Drilon.

National

Kung ma-disqualify si VP Sara: Sen. Robin, pambato ni FPPRD bilang pangulo sa 2028 – Panelo

“It’s the structural reform that I was looking at. If they want to conduct an investigation on the alleged bribery, that’s another matter and that falls under the jurisdiction of the Blue Ribbon. He is completely free to do that,” dagdag niya. (Hannah L. Torregoza)