Maxine copy

PRESENT sa Governor’s Ball ng 2016 Miss Universe last Monday night sa SMX Convention Center sa Pasay ang dalawa nating former Miss Universe, Gloria Diaz at Margie Moran. Tinanong sa nasabing event si 1969 Miss Universe Gloria Diaz tungkol sa kanyang opinion sa ating kandidatang si Maxine Medina, kung may posibilidad bang makuha ulit natin ang Miss Universe crown after Pia Wurtzbach.

“No. But I think she has a chance, and chance is one in a million,” sagot ng beauty queen turned actress.

Marami na ang nagre-react ngayon sa kanyang prangkang sagot.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kung siya mismo ay hindi naniniwala na posible ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe, paano na ang mga naniniwala na puwedeng manalo ang ating pambato sa darating na coronation night sa January 30?

Naiintinidhan naman ng iba na opinyon ito ni Ms. Gloria na naging honest lang sa journey at quest ni Maxine para sa Miss U crown.

Nang gabi ring iyon nag-suggest si Gloria Diaz na dapat kumuha ng interpreter si Maxine.

“This is the first time I will meet Maxine and the first thing I will tell her is to get an interpreter if she feels that she can better express her thoughts using our vernacular language,” aniya sa ulat ng People’s Television Network. (ADOR SALUTA)