Justin at Kourtney copy

NAMATAAN si Kourtney Kardashian sa club kasama ang kanyang kaibigan at dating ka-fling na si Justin Bieber nitong weekend. Lumabas ang dalawa makaraang pumutok ang balita na nagkabalikan ang Keeping Up With the Kardashians star kay Scott Disick.

Noong Sabado, nasa Peppermint Club sa Los Angeles sina Kardashian, 37, at Bieber, 22. Bagamat hindi lang ito ang pinuntahan nila nang gabing iyon, dahil namataan sila na magkasama rin sa hot spot na Delilah.

“They have a lot of mutual friends and are also still friends,” saad ng insider sa Yahoo Celebrity. “They didn’t go together.”

BALITAkutan

Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan

Inilahad naman ng pangalawang source sa Delilah na platonic lang ang dalawa, at ang pag-uusap nila ay “totally innocent.”

“They didn’t look really flirty like they have in the past,” saad ng clubgoer. “They just looked like friends and didn’t even hang out or talk all that much.”

Sinabi ng unang Kardashian insider na nagkabalikan na talaga si Kourtney at Disick, 33, at inaayos ang kanilang relasyon. Naghiwalay ang dalawa, na may tatlong anak na sina Mason, 7; Penelope, 4; at Reign, 2; noong 2015 pagkaraan ng siyam na taong pagsasama nang hindi na makontrol ang pagpa-party ni Disick.

Ilang buwan pagkatapos ng break up, may namagitan kina Kardashian at Bieber. “They definitely aren’t dating, but they have fun together and do have things in common, like Bible study,” saad ng source sa Yahoo.

Nakontrol din ni Disick ang kanyang pagpa-party at sinimulang makipagbalikan kay Kourtney noong huling bahagi ng nakaraang taon. Noong Nobyembre, namataan silang magkasama sa pagbabakasyon sa Mexico, at kamakailan nagkaroon sila ng family trip sa Aspen, Colo. (ET Online)