TATANGKAIN ng bagitong Pinoy boxer na si Robert Onggocam na makapag-uwi ng karangalan sa bansa sa paghamon sa knockout artist na si IBF Youth flyweight titlist Iwan Zoda sa Enero 28 sa Pontianak, Indonesia.

Ito ang unang laban ng tubong Zamboanga del Norte na si Onggocam sa abroad taglay ang kartadang 7-1-0, tampok ang tatlong knockout at malaking pagkakataon na sa edad na 20 ay sasabak na sa kampeonatong pandaigdig para sa mga batang boksingero.

Kaedad ni Onggocam ang hahamuning si Zoda na mas beterano sa kartadang 13-1-0, kabilang ang 12 TKO.

Natamo ni Zoda ang bakanteng IBF Youth flyweight title noong Abril 2, 2016 nang patulugin niya sa 3rd round si Scilveszter Kanalas ng Hungary sa Pontianakdin. (Gilbert Espeña)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!