PORMAL na nakuha ng Arellano University Lady Chiefs ang Final Four slot nang walisin ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 25-23, 25-23 , 25-20 kahapon sa NCAA Season 92 volleyball tournament sa SSN Juan Arena.

Nagtala ng 12 puntos si Jovielyn Prado habang tumapos na may 9 na puntos si Rialen Sante upang pamunuan ang panalo, ang kanilang ikapito sa walong laro para samahan ang league leader at unbeaten pa ring San Sebastian na nauna nang umusad sa semis.

Nabalewala naman ang tig,- 11 puntos nina Cherilyn Sindayen at Czarina Orros gayundin ang tig- sampung puntos ninaChristine Miralles at Monica Jane Sevilla dahil Hindi nila naisslba ang Lady Pirates sa ikatlo nitong pagkabigo sa walong laro.

Sinamantala ng Lady Chiefs ang erratic na laro ng Lady Pirates na nakagawa ng 26 na errors upang makopo ang panalo.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Dahil din sa panalo, nakumpleto ang pagwawalis ng Arellano sa tatlong laro nila kontra Lyceum. (Marivic Awitan)