Umatras ang pamahalaan sa balak na patawan ng Value Added Tax (VAT) ang Persons with Disabilities (PWD’s) at mga Senior Citizens bilang bahagi ng tax reform.

Sinabi ni Senator Sonny Angara, na ito ang nakalap niyang balita mula sa Department of Finance (DoF) na nagbalangkas ng mga reporma sa buwis.

“The DoF is open to retaining the VAT exemption of senior citizens and PWDs. Ibig sabihin po nito ay nakikinig ang ating administrasyon sa ating mga panawagan at sa hinaing ng taumbayan,” aniya.

Mayroong tinatayang 7.5 milyong senior citizens at 1.4 milyong PWDs sa bansa. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter