LAS VEGAS – Basta magkaayos sa budget, tuloy ang laban ni undefeated world champion Floyd Mayweather, jr. kay UFC star Conor McGregor.

Sa panayam ni Jim Gray sa Fox, sinabi ni Mayweather na hindi siya aatras sa laban kay McGregor, ngunit kailangang magkasundo muna sa premyo.

Isinapubliko ni Mayweather, nagretiro na may 49-0 karta, na lalabanan niya ang UFC title holder kung makatatangap siya ng US$100 milyon na premyo. Inalok niya si McGregor ng US$15 milyon sa laban na maipapalabas sa pay-per-view.

Kinastigo ito ni UFC boss Dana White at sinabing malabo itong maganap. Para maging makatotohanan, inalok niya si Mayweather ng US$25 milyon para labanan ang UFC star.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA