Pinawi kahapon ni Speaker Pantaleon Alvarez ang pangamba ng taumbayan na magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar upang palakasin ang paglaban sa ilegal na droga sa bansa.

“I said it before and I’ll say it again: I know him personally and I sincerely believe he will not declare martial law,” ani Alvarez.

Nilinaw ng Speaker na ang pahayag ni Duterte sa posibilidad ng pagdedeklara ng batas militar ay bahagi lamang ng “dramatic statements” ng Pangulo “to stress his message.”

Sinabi ni Duterte nitong weekend na kapag lumala ang problema sa droga ng bansa, walang makapipigil sa kanya, kahit ang Korte Suprema, na magdeklara ng martial law.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa kabila nito, hiniling ng mga mambabatas ng oposisyon na kabilang sa “Magnificent Seven” Minority Group sa Pangulo na magpaliwanag kung talagang binabalak nitong magdeklara ng batas militar.

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na mas mabuti kung mismong ang Pangulo ang magpaliwanag sa isyu.

“President Duterte himself must state that he does not intend to declare martial law outside the parameters and restrictions of the Constitution, instead of his subalterns making the clarifications who could misread the President’s mindset,” aniya sa mamamahayag sa isang press conference. (Bert de Guzman at Charissa M. Luci)