PAGKARAAN ng apat na buwan simula nang matutukan ng baril at manakawan sa Paris, nagsu-shooting ngayon si Kim Kardashian para sa kanyang cameo sa upcoming female heist caper na Ocean’s Eight.

Nakuhanan ng litrato si Kardashian, na nakasuot ng puting sheer ballgown at fur jacket, at ang kanyang half sister na si Kendall Jenner, na nakausot naman ng puting lace, sa New York nitong Lunes, pagkatapos kunan ang sa eksena sa pelikula sa Metropolitan Museum of Art.

Ayon sa Hollywood source, mayroong cameo role ang magkapatid sa pelikula, na kinabibilangan ng mga A-list star na sina Sandra Bullock, Rihanna, Cate Blanchett at Anne Hathaway.

Namataan din ang Vogue magazine editor na si Anna Wintour at fashion designer na si Zac Posen malapit sa set ng pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Noong Oktubre, tinutukan ng baril at ninakawan si Kardashian ng alahas na nagkakahalaga ng $10 million sa Paris.

Dahil sa insidente ay nanahimik ang reality star sa kanyang public life at social media. Ngunit nitong mga nagdaang linggo, nagtungo na si Kardashian sa Dubai, at bumalik na sa kanyang sikat na Twitter at Instagram account.

Ang Ocean’s Eight ang kasunod ng Ocean’s Eleven, ang crime caper trilogy na pinagbidahan nina George Clooney at Brad Pitt noong unang bahagi ng 2000.

Inaasahang maipapalabas ito sa mga sinehan sa Hunyo 2018. (Reuters)