Kukuha ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang 65,000 guro at non-teaching staff upang matiyak ang matiwasay na implementasyon ng K to 12 Program ngayong taon.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na tumaas ng 25 porsiyento sa budget allocation nilang ngayong taon kayat kukuha sila ng mga kinakailangang guro at empleyado para sa implementasyon ng K to 12 ngayong Hunyo.

Batay sa ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM), tatanggap ang DepEd ng pinakamalaking alokasyon sa lahat ng executive departments ngayong taon sa P543.2 billion.

Ayon sa DBM, ang kakulangan ng guro at non-teaching staff ang isa sa nakikitang pangunahing dahilan ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa mga pampublikong elementary at high schools.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Upang matugunan ang problemang ito, naglaan ang DepEd ng P19.4 bilyon para buksan ang 53,831 teaching positions at 13,280 non-teaching positions sa buong bansa. Tatanggap din ang DepEd ng P118.8 bilyon para sa repair, kontruksiyon at pagbili ng basic educational facilities na kabibilangan ng 47,492 silid-aralan at t 66,492 upuan para sa K to 12 upang maserbisyuhan ang dalawang milyong estudyante na nagsisiksikan sa mga temporaryong silid-aralan. Tinatayang P14.4 bilyon din ang ilalaan sa pagbili ng 55 milyong textbooks at instructional materials – kasama na ang science at mathematics equipment para sa 5,449 paaralan. (MERLINA HERNANDO-MALIPOT)