SMOKEY, SYLVIA AT SHARON SA 'MAGANDANG BUHAY' copy

MATAGAL na naming kaibigan si Sylvia Sanchez pero first time lang namin siyang nakitang natameme o speechless nang sorpresahin siya ni Sharon Cuneta kahapon sa Magandang Buhay.

Umaani ng paghanga ng maraming televiewers ang pagganap ni Sylvia sa The Greatest Love nag-trending pa noong nakaraang Miyerkules (nagtala ng rating na 20.4% at 18.2% noong Huwebes) kaya siya ang special guest nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Bukod sa tsikahan ay nagluto rin si Sylvia sa Magandang Buhay ng ginataang sugpo, ginataang kamias at ginataang saging na may sago na pawang specialty niya at paborito ng kanyang pamilya.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Si Joshua Garcia at si Smokey Manaloto ang surprise guests na inamin ni Ibyang na mahal na mahal niya. Mahal niya si Joshua bilang apo sa TGL at parang miyembro na rin ng pamilya niya dahil napakabait at malambing. Mahigit dalawang dekada naman na niyang kasama sa hirap man o ginhawa si Smokey dahil iisa ang manager nila, si Tita Angge.

Andami-daming kuwento at napakadaldal ni Ibyang sa Magandang Buhay kahapon at kahit inilaglag na siya ni Smokey -- dahil ibinuking na nanalo siyang Miss Nasipit sa lugar nila sa Agusan del Norte at singing ang talent niya sa awiting Material Girl na labis na ikinaloka ng aktres -- ay humihirit pa rin siya, kaya tawanan ang lahat.

Pero nang tawagin na ang huling surprise guest na si Sharon nga, kitang-kita sa screen na nakanganga, as in hindi alam kung anong sasabihin ni Sylvia.

Lalo pang natulala si Ibyang nang sabihin ni Sharon na, “Long overdue na ito, eh. Isa si Sylvia sa pinakamagagaling na artista natin. Talagang touched na touched ako sa mga sinasabi niya nu’ng mag-uumpisa ‘yung The Greatest Love.

Matagal na akong humahanga kay Sylvia, si Tita A ‘yung manager niya, di ba? Nanay-nanayan ko ‘yun, eh. Nakikita ko lang siya (Ibyang) kapag may get together, at mahusay siya.

“Natutuwa ako kapag may magaling na artista ‘tapos nabigyan ng oportunidad na malaki. Tuwang-tuwa ako ro’n, isang industriya lang tayo, eh. And she’s really deserving. Congratulations, napakalakas at ang taas ng ratings ng The Greatest Love, grabe, parang ‘yung Your Face Sounds Familiar, ha-ha... parang Magandang Buhay.”

Sabi pa ng Megastar, “Gusto ko ngang gumest (mag-guest sa TGL), kaso hindi ko alam kung paano ako papasok sa istorya, ha-ha-ha.”

At dahil tulala pa ring nakatingin lang si Ibyang kay Sharon, biniro siya ni Karla ng, “Nawala boses ni Ate Ibyang, ha-ha-ha.” Sinundan pa ito ni Melai ng, “Surprise talaga si Ate Sylvs.”

“Megastar, eh, pinuntahan ka?” ang tanging nasambit ni Sylvia.

“Dahil mahal kita, at mahal ko itong show na ito,” hirit ni Sharon.

Tulala pa rin si Ibyang, kaya ang pabirong sabi ni Sharon, “Since busy po si Sylvia dahil hindi nagsasalita, panoorin n’yo po ang The Greatest Love, napakagandang teleserye po.”

Napabuntong-hininga si Ibyang, at nakapagsabi ng, “Sino lang ba ako para puntahan ng isang Megastar?”

“Tigilan mo nga ‘yan, Diyos ko!” saway ni Sharon.

Hindi maitago sa audio na nanginginig talaga ang boses ng TGL lead star nang pasalamatan si Sharon.

“ Salamat sobra, sobra dahil kanta ko lang ‘yung star na ako lang ‘yung si Gloria ng ano...,” hindi na alam ang sasabihin.

“Bakit nila-lang mo ang sarili mo?” pagkontra pa rin ni Shawie.

Nanginginig nang talaga ang boses na sabi ni Sylvia: “Pinanood kita noon sa Sana’y Wala Nang Wakas, eh,” at bigla nang nangilid ang luha.

Sinalo ni Sharon ang umiidolo sa kanya.

“Alam mo sa atin, nabibigyan lang ng titulo ‘yung iba sa atin, lumalakas ‘yung kita ng pelikula, meron sa atin nakakalusot pero lahat tayo magkakasama sa isang industriya. Hindi naman kami mabubuhay kung wala rin naman ‘yung ibang kasamahan natin,di ba? So, like I said, that’s from the bottom of my heart, ‘pag meron isang kasing talented mo na nabigyan ng napakalaking oportunidad...

“And you are so deserving of this teleserye kaya nararamdaman din ng mga tagapanood ng Greatest Love na napakalaki ng puhunan mo at ninyong lahat at stars. Ang laki ng inilalagay ninyo sa teleseryeng ito kaya bumabalik naman sa ‘yo.”

“Hay... ano pa ba sasabihin ko?” tanging nasabi ni Ibyang.

Dahil wala pa ring masabi ang aktres, inalok ni Karla si Sharon ng luto ni Ibyang at nakakatuwa kasi hindi napigilan ng isa sa hurado ng YFSFK na hindi kumain.

Inamin ni Sharon na ulam na may gata ang paborito niya at sinabihan niya si Sylvia na finally ay medyo nahimasmasan at nakabawi na.

“Basta ako, nagpapasalamat ako ng pagkanta ng theme song namin (The Greatest Love of All), sobra. Maganda na ‘yung takbo ng istorya, pero mas maganda ‘pag nilapatan ng kanta mo,” sabi ni Ibyang.

Nagbilin si Mega na dalhan siya ng mga niluluto ni Sylvia dahil gusto niyang matikman, nangako naman si Ibyang na dadalhan talaga niya ng pagkain ang idolo niya isa sa mga araw na ito.

Habang umeere ang Magandang Buhay ay nag-trending agad ang guesting ni Ibyang kahapon. (REGGEE BONOAN)