DADAYO sa unang pagkakataon si Philippine super featherweight champion Allan Vallespin para itaya ang walang pingas na rekord laban sa sumisikat na si Masaru Sueyoshi ng Japan sa Pebrero 4 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Naging kampeon ng Pilipinas ang 22-anyos at tubong Bacolod City na si Vallespin nang talunin sa puntos si Warren Mambuanag nitong Disyembre 15 sa Mall of Asia Arena sa kanyang unang major title.

Lumalaban ngayon sa lightweight division ang 26-anyos na si Sueyoshi na may siyam na sunod-sunod na panalo kabilang kina Philippine Boxing Federation featherweight titlist Roman Canto at Marbon Bodiongan.

May kartada ang tubong Tokyo na si Sueyoshi na 13-1-0, tampok ang walong knockout kumpara sa perpektong rekord ni Vallespin na 9-0, kabilang ang walong knockout. (Gilbert Espeña)

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?