Alden at Maine at Solaire copy

KINUMPLETO ni Maine Mendoza ang kaligayahan ng birthday boy na si Alden Richards nang dumalo siya sa birthday celebration na ibinigay ng fans sa Solaire Hotel in Pasay City last Sunday evening.

Hindi binigo ni Maine ang pag-imbita sa kanya ng Aldenatics na siyang nag-organize ng big party, na ini-open din nila sa ibang fans nina Alden at Maine. Si Alden daw personally ang nagbigay ng invitation kay Maine, bago pa sila pumunta sa Sinulog Festival sa Cebu noong Linggo rin. Nakabalik sila ng Manila kinagabihan at nagpahinga lamang si Alden na siyang unang dumating sa event.

Invited din ang mga big bosses ng GMA Artist Center headed by Ms. Annette Gozon, Joey Abacan, and Tracy Garcia.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Masaya ang tweet ng AlDub Nation sa caption ni Ms. Annette photo sa Instagram kasama si Maine: “The one and only leading lady in Alden’s life.”

Nakita nakita rin sa videos na dumalo ang friends and co-actors ni Alden na sina Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, Diane Medina, Bea Alonzo, at Joyce Ching. Si Rita Daniela ang nag-offer ng song sa birthday celebrant. Present din ang Lola Linda at Kuya RD ni Alden, with cousin April Penaranda. Unang nilapitan ni Maine si Lola Linda at bumeso.

Ang pinalakpakan nang husto ng guests ay nang tawagin si Maine para magbigay ng message kay Alden, kasabay ang tugtog ng song na God Gave Me You.

“Gusto ba ninyong i-share ko sa lahat kung paano ko nakilala si Alden? Two years na po iyon,” pabirong simula ni Maine. “Happy, happy birthday Alden. Alam mo naman kung ano ang mga bagay na gusto kong sabihin sa iyo at kung ano iyong mga bagay na para sa ating dalawa lamang (nag-voice over si Alden sa guests ng: ‘sorry, sa amin na po lamang ‘yon.’) Wish ko sana lahat ng pangarap mo sa buhay magawa mo at siyempre, sana matuto kang mag-break sa trabaho mo para magkaroon ka ng time para sa sarili mo, para sa mga kaibigan mo at para sa pamilya mo. Wish ko sa ‘yo lagi kang maging masaya, basta gusto ko lagi kang masaya. Narito lamang ako lagi for you.”

Sinagot ito ni Alden ng, ‘Salamat, Ms. Maine’ sabay yakap ng mahigpit at inihatid niya si Maine sa table nina Kristoffer, Rodjun, atbp.

Nagbigay din ng message sina Lola Linda at Kuya RD ni Alden, at nagkabiruan na narinig na rin sa wakas ang boses ng mahiyaing older brother ni Alden.

Balik-trabaho na sina Alden at Maine kahapon sa taping ng Destined To Be Loved, ang first teleserye nila sa GMA-7.

(NORA CALDERON)