NAISAAYOS ng De La Salle-Zobel at Far Eastern University- Diliman ang kampeonato matapos magsipagwagi sa kani- kanilang mga katunggali sa semifinals ng UAAP Season 79 juniors football tournament sa Moro Lorenzo Field sa Quezon City.

Ginapi ng Junior Archers ang season host University of Santo Tomas Tiger Cubs, 3-0, habang tinalo ng Baby Tamaraws ang Ateneo Eaglets, 2-0.

Dahil sa panalo,may natipon na 12 puntos ang De La Salle-Zobel kasunod ang FEU-Diliman na may siyam na puntos.

Umiskor si Joshua San Diego bago matapos ang first half habang sinelyuhan nina Miguel Basmayor at rookie John Rey Lagura ang panalo sa second half para sa Junior Archers na sasabak sa una nilang championship stint.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Idaraos ang knockout final match sa Pebrero 4 sa McKinley Hill Stadium. (Marivic Awitan)