Dalawang lalaki, ang isa ay matindi ang depresyon habang ang isa ay may matinding problema sa pamilya, ang nagbigti sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 1:12 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ni Benjamin Llazos, 62, sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa 551 Pava Street, Tondo.

Ayon kay Maria Fe Llazos, anak ni Benjamin, dumaranas ng matinding depresyon ang biktima at posible umanong ito ang naging dahilan ng papapakamatay.

Samantala, dakong 11:30 ng gabi nitong Sabado nang i-report sa tanggapan ni Domingo ang pagbibigti rin ni Rafael Imutan, 34, ng 594 Aeta St., kanto ng Choco St., sa Tondo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mismong si Raquel, 52, ina ng biktima, ang nagsabi sa pulisya na posibleng hindi na nakayanan ng kanyang anak ang problema ng kanilang pamilya.

Ayon kay Raquel, manugang niya ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na tinangka pang isugod sa ospital ngunit huli na ang lahat. (Mary Ann Santiago)