Tommy at Miho copy

PASIMPLE ang sweetness nina Tommy Esguerra at Miho Nishida sa presscon ng Foolish Love ng Regal Films. Madalas silang nagtititigan na parang sila lang ang tao sa mundo, naghahawakan ng kamay, at ang pinakagusto naming gesture ni Tommy na sinasalo si Miho kapag hindi ma-express ng mabuti ang sasabihin.

Si Tommy rin ang nagbalita sa press na wala pa silang balak magpakasal ni Miho at magpu-focus muna sila sa kanya-kanyang career, magko-concentrate rin si Miho sa pag-aaral ng English. 

Napansin nga ng mga reporter na parang hirap mag-express si Miho in English o nahihiya lang dahil hindi siya sure kung tama. Kaya maganda ang desisyon niyang mag-aral din ng English lalo na kung titira sila ni Tommy sa Amerika ‘pag nakasal na sila.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

First movie ng Tomiho love team angFoolish Love at aminado sila na pareho silang kinabahan at natakot kay Direk Joel Lamangan. Pero sabi ni Direk, nagawa nina Tommy at Miho ng tama ang kanilang mga eksena. Nagulat pa nga si Direk Joel dahil may lalim daw ang dalawa at kailangan lang maipalabas.

Showing sa January 25 ang Foolish Love na bida rin sina Jake Cuenca at Angeline Quinto. Sumabay sa halikan ang Tomiho kina Jake at Angeline. Panoorin n’yo ang pelikula at mas madali ‘yun sa kanila dahil tunay silang may relasyon.

(Nitz Miralles)