HAWAII – Nagbago ang pulso ni Pinoy golf star Miguel Tabuena sa naiskor na 72 sa third round ng Sony Open nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa t Waialae.
Nahirapan ang Philippine Open champion kumpara sa unang dalawang araw ng torneo sa natipang tatlong bogey at tatlong birdie.
Naitala ni Tabuena ang double-bogey sa par-4 No. 15 para malaglag sa ika-41 puwesto mula sa sosyong ika-13 tungo sa final round ng torneo. Tangan niya ang kabuuang iskor na 204.
May kabuuang 16 stroke ang layo niya sa nangungunang si Justin Thomas, tumipa ng 65 para sundan ang matikas na 59-64 sa unang dalawang round.