MARAMING moviegoers ang nanghihinayang na hindi pa nila napapanood ang Sunday Beauty Queen dahil tinanggal na ito sa mga sinehan. 

 

Ganito rin ang nangyari sa Heneral Luna ni John Arcilla nang ipalabas noong September, 2015.

 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Hindi pinasok noong unang linggo ang Heneral Luna kaya tinanggal sa movie houses, pero nang kumalat sa social media na maganda ang pelikula ay ibinalik ito sa mga sinehan dahil bigla nang dinumog ng mga manonood. Kaya kumita ang Artikulo Uno Productions ng mahigit P100M.

 

Ganito rin sana ang mangyari sa Sunday Beauty Queen na nanalo ng Best Story at Best Movie sa 2016 Metro Manila Film Festival dahil kahit walang artista ay marami ang nagandahan dahil napaka-heartwarming ng kuwento ng mga kababayan nating OFW.

 

Paging SM, Ayala and Robinsons, Gateway cinemas, sana ay ipalabas ninyo ulit ang Sunday Beauty Queen. (Reggee Bonoan)