Tinawag ni Pangulong Duterte ang North Korean leader na si Kim Jong-Un na wala sa katinuan ng pag-iisip, sinabing makabubuti sa lahat kung papanaw na ito.

Iginiit ng Presidente na ang 33-anyos na North Korean leader at hindi si Russian President Vladimir Putin ang “wild card”, sa harap na rin ng nuclear at missile development ng Pyongyang.

“Itong si Kim Jong-un, itong buang nasa North Korea. He is the wild card there, not Russia,” sinabi ni Duterte sa harap ng mga negosyante sa Davao City nitong Sabado ng gabi.

“Putin is just an ultra. Ultra si Putin eh, ultra. But ang g*go diyan, itong sa North Korea lang. Kung mamatay ‘yang buang na ‘yan, okay na tayo. The Philippines would be okay,” ani Duterte, na hinalakhakan ng mga nakikinig.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Nagbabala rin si Pangulong Duterte laban sa pagsisimula ng World War III, na hahantong lang, aniya, sa katapusan ng mundo.

“If we start a war, a Third World War that will be the end of the world kapag binitawan lahat ‘yang nuclear,” aniya.

Sa panig ng Pilipinas, sinabi ni Duterte na hindi siya interesado sa pagkakaroon ng mga alyansang militar, at ikinuwento na nabanggit niya rin ito kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, na bumisita sa bansa nitong Huwebes.

(Genalyn D. Kabiling)