Lumikha ng malaking upset si dating Philippine welterweight champion Dan Nazareno nang talunin sa six round split decision si WBO Greater China super welterweight champion Alimu Tuerson kamakalawa ng gabi sa One Show Space sa Shanghai, China.

Matagal nabakante sa boksing si Nazareno matapos ang pagsagupa kay Sirimongkol Singwancha noong Abril 7, 2015 para sa WBO Asia Pacific super welterweight crown nang pabagsakin niya ang Thai sa 2nd round at gulpihin niya sa kabuuan ng laban pero natalo pa rin sa puntos sa Samut Sakhon, Thailand.

“Tuerson used his long jab and mobility while Nazareno relied on aggression and body punching. Both boxers had their moments but Nazareno landed the harder punches throughout the fight,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

“Tuerson’s most effective punch was his counter right when he caught Nazareno coming in but the Filipino’s aggression and ring smarts pulled him through. Nazareno was also coming off a long layoff but he managed to shake off the rust in this six rounder,” dagdag sa ulat. “The judges’ scores are Zhao Yubin (China), 58-56 for Alimu, Edward Ligas (Philippines), 58-56 and Mekin Sumon (Thailand) , 58-56 for Nazareno.”

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

May rekord ngayon si Nazareno na 22-13-0, tampok ang 17 knockout, samantalang bumagsak ang kartada ni Tuerson sa 7-1-1. - Gilbert Espeña