Inaresto ng awtoridad ang isang nagpakilalang Army reservist na umano’y miyembro ng Japanese syndicate na may modus na “murder for insurance” sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Kirby Patricio Tan, nasa hustong gulang, ng Barangay Pulang Lupa, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Romy Lanzarrote, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Southern Police District (CIDG-SPD), dakong 10:00 ng umaga nang halughugin ng mga pulis ang bahay ni Tan.

Narekober sa suspek ang dalawang baril at isang granada.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Sinusuri na ngayon ng pulisya ang baril ni Tan kung ito ang ginamit sa pagpatay sa dalawang Hapon na kagagawan umano ng sindikato ng mga Hapon.

Lumitaw na modus ng sindikatong ito na magtayo ng kumpanya sa bansa at nakikisosyo sa mga Hapon upang agad na ipa-insure sa isang insurance company bago paslangin. (Bella Gamotea)