SABI ni Jake Cuenca, sa rami ng nagawa niyang teleserye at pelikula ay itong love scene nila ni Angeline Quinto sa Foolish Love ang matindi. Pero ayaw naman niyang ikuwento kung bakit, basta’t panoorin na lang daw namin ang pelikula.
“Sa rami kasi ng nagawa kong teleserye at pelikula, dito sa Foolish Love lang ako nakagawa ng ganu’ng eksena kaya hindi ko makakalimutan. Feeling ko kapag napanood n’yo rin ‘yung eksena at ‘yung ending, hinding-hindi n’yo rin makakalimutan,” sabi ni Jake.
Bakit unforgettable para sa kanya ang pelikula nila ni Angge?
“Siyempre ‘yung love scene, kasi bukod sa pressure, hindi mo puwedeng i-describe kasi malaking parte ng movie ‘yun.
Nakikita n’yo ‘yung trailer nu’ng movie na rom-com, pero it’s more on complicated, stricken kasi aside from it being her first love scene, nandoon ‘yung pag-aalalay. Kailangan maging passionate sa isa’t isa, ‘tapos meron pang circumstance na nangyari afterwards.
“Kaya nu’ng binasa ko, napakakumplikadong eksena, pero ang maganda nu’ng nagawa namin ‘yung eksena, nakaka-satisfy kasi nagawa namin at nakamit namin ‘yung objective kung ano ‘yung nangyari,” kuwento ng binata.
Paano niya inalalayan sa love scene nila ang first timer na si Angeline?
“Nadagdagan po ‘yung responsibilidad ko, kasi it’s not the first time na nasabihan akong first time nila magkaroon ng kissing scene. ’Yung sa amin po ni Angeline, ganu’n kabigat ‘yung weight ng eksena na hindi puwedeng dayain na kailangang gawin sa maraming anggulo, not because maraming mali kundi dahil kailangan sa iba iba’t anggulo.
“Dumagdag ‘yung responsibilidad, pero I took that responsibility in a gentleman manner and aside from being a gentleman, ‘pag may tinanggap akong proyekto, baby ko ito.
“Kaya hinawakan ko ang mga kamay ni Angeline at sinabi ko, don’t worry, you’re safe with me and bukod sa inisip ko ang sarili ko, inilagay ko si Angge sa pedestal sa buong pelikula,” pahayag ng aktor.
Ano naman ang natutunan niya kay Angeline, kung mayroon man?
“Actually, isang nakuha ko kay Angeline sa proseso ng movie, siguro mas naging grounded ako kasi ‘yung last girlfriend ko hindi tagarito, so medyo naging foreign ang pag-iisip ko na wala namang mali ro’n. Working Angeline in the set reminded me of my roots, kung saan ako nagsimula. So parang iyon ang magandang bagay na na-experience ko sa pakikipagtrabaho ko kay Angeline.
“Music pa lang na pinapatugtog niya, OPM (Original Pilipino Music), hindi ako masyadong mahilig, pero nu’ng nakatrabaho ko siya, in a way, na-remind ako to keep myself grounded kung saan ako nanggaling,” kuwento ng aktor.
So, Pilipina na ulit ang mamahalin niya?
“Wala akong specific type, kung magustuhan ko, gusto ko talaga, so walang specific type,” say ng binata.
Sa Enero 25 ang playdate ng Foolish Love mula sa direksiyon ni Joel Lamangan produced ng Regal Entertainment. Kasama nina Angeline at Jake sina Tommy Esguerra at Miho Nishida sa pelikula. (REGGEE BONOAN)