Nasa mga kamay na ng Makati City Police ang isang Chinese na umano’y wanted sa lungsod kaugnay sa kasong illegal recruitment, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief Senior Supt. Milo Pagtalunan ang dayuhang si Alex Wang, alyas “Xin Wang”, nasa hustong gulang, ng Palanca Street, Legazpi Village, Barangay San Lorenzo.

Ayon sa pulisya, dakong 8:30 ng gabi dinakip si Wang, sa bisa ng warrant of arrest, ng mga tauhan ng Special Operations Group (SOG) at Makati City Police sa Palanca St., Legazpi Village, Bgy. San Lorenzo ng naturang lungsod.

Walang inirekomendang piyansa para kay Wang. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20