Alden Maine copy

NAGKASAKIT si Alden Richards at nagkasinat naman si Maine Mendoza pero wala namang dapat ipag-alaala ang AlDub Nation, sapat na pahinga lang ang kailangan ng loves nila na nasobrahan lamang siguro ng trabaho, plus ang pabagu-bago nating weather, kaya bumigay na rin sila.

Last Thursday, parehong may fever ang dalawa pero arya pa rin sila sa trabaho sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga; nasa Broadway Studio si Alden at nasa Hagonoy, Bulacan naman si Maine. Napansin agad na paos na ang boses ni Alden.

Pero kinagabihan, kahit masama pa rin ang pakiramdam, tinupad nila ang hosting job sa event ng Nestle Philippines sa Marriott Hotel. Pareho silang endorser ng products nila. Hindi hinayaan ni Alden na mag-isa lamang magtrabaho si Maine, pero halatang masama na talaga ang pakiramdam niya at may video sila na parang inaalalayan na siya ni Maine noong pauwi na sila. Siguradong may advice na si Maine kay Alden na magpa-check-up at magpahinga ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya on their way home, dumaan na si Alden sa family doctor nila sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City for check-up. Sipon, ubo at magang lalamunan ang findings, at complete day rest with medication lamang ang reseta ng doctor. At 2:00 AM, nasa bahay na nila sa Laguna si Alden.

Sanay sa maagang gising kaya at 7:33 AM, nag-post na sa Twitter si Alden ng “All day in bed day!” habang nakahiga pa sa bed niya.

Ngayong araw, hindi kami magtataka kung balik-trabaho na si Alden with Maine sa Eat Bulaga at sa hapon, may Silver Saya event siya para sa Boardwalk.

Bukas, 4:00 AM ang flight nila ni Maine papuntang Cebu, kasama sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, para pangunahan nila ang Kapuso Network sa celebration ng Sinulog Festival, Viva Sto. Niño. Bale advanced promo na nila ito ni Maine para sa first teleserye nilang Destined To Be Yours at nina Jennylyn at Gil naman para sa My Love From The Star.

(NORA CALDERON)