Cast ng 'The Greatest Love' copy

NAGING madamdamin ang hapon ng mga manonood nitong Miyerkules dahil ipinalabas na ang pinakainaabangang eksena sa The Greatest Love, nang makalimutan ni Gloria (Sylvia Sanchez) na mga anak ang kanyang kaharap, na nag-iwan ng malaking palaisipan sa mga tao bago pa man ito umere noong Setyembre.

Mula sa direksyon nina Mervyn Brondial at Paco Sta. Maria, ang eksena ay una nang ipinatikim sa isang teaser na nag-viral noong nakaraang taon dahil sa kakaibang tema at kahanga-hangang pag-arte ng cast na binubuo nina Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, Arron Villaflor, at Joshua Garcia.

Tinutukan ng buong bayan ang episode kaya nagtala ito ng all-time high na national TV rating na 20.4%, mas mataas kumpara sa Sa Piling ni Nanay na nakakuha naman ng 13.1%, ayon sa viewership survey data ng Kantar Media.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bukod sa nationwide ratings, naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa makapigil-hiningang eksena kaya manguna sa trending topics worldwide ang official hashtag ng palabas na #TGLTheDeepImpact na umani ng libu-libong tweets.

“Nakuha niyo ang respeto ko ‘The Greatest Love’ cast and staff. Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. Hindi maikukumpara ang inyong talento,” sabi ni @vivienjlx.

Sabi naman ni @MendelOfficial, “Ang ‘The Greatest Love’ ang pinakamagandang teleserye sa lahat. Hindi niyo iyan maitatanggi.”

“Kakaiba ang pag-arte ni Joshua! Lume-level sa galing ni Sylvia Sanchez at other cast,” pagbahagi ni @iKapamilya.

“Si @DimpleRomana ang Princess Punzalan ng henerasyon na ito! Sobrang galing,” pagpuri naman ni @MeshSiLog.

Samantala, tuloy-tuloy nga ang mga pagbabagong magaganap sa buhay ni Gloria ngayong alam na ng kanyang mga anak ang kanyang tunay na karamdaman.

Ano pa kayang mga pagsubok ang kanilang haharapin sa paglala ng sakit ni Gloria? Paano pa kaya nila ito maaagapan?

Ang The Greatest Love ay mula sa GMO unit na siya ring nagprodyus ng mga de-kalidad na programang Be Careful with My Heart, Oh My G!, at Ningning.

Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.