Selena at The Weeknd copy

GINULANTANG nina Selena Gomez at The Weeknd ang social media nang makuhanan sila ng larawan na naghahalikan sa labas ng Giorgio Baldi restaurant sa Los Angeles nitong Huwebes.

Ayon sa source ng E! ay nais sana ng dalawa na panatilihing sekreto ang kanilang relasyon, ngunit napagdesisyunan na isapubliko na ito.

“They’ve decided they really don’t care if everyone knows about them,” ibinunyag ng source.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Idinagdag pa ng source na hindi na nakakagulat ang relasyon ng dalawa dahil si The Weeknd –Abel Tesfaye ang tunay na pangalan – ay may gusto talaga sa Hands to Myself singer

“He thinks she is extremely talented and sexy. They recently started talking before the holidays but she has been on his radar before. They are on the same level with expectations and think the other is really fun. They are taking things slow and getting to know each other,” ayon sa source.

Dating nagkatrabaho sina Selena at Abel noong 2015 nang nagtanghal sila sa Victoria’s Secret Fashion Show.

Kaugnay nito, napaulat na in-unfollow na ng ex-girlfriend ni Tesfaye na si Bella Hadid si Selena sa Instagram isang araw pagkaraang kumalat ang tungkol sa namamagitan sa Canadian singer at Kill Em with Kindness singer.