Hindi pagagandahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paligid upang itago ang tunay na kalagayan ng mga lungsod sa mga kandidata ng Miss Universe pageant.

Sinabi ni Tim Orbos, MMDA officer-in-charge, na ito ay kaugnay sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin na ang pag-host ng bansa sa Miss Universe 2017 pageant, ay hindi makaaabala sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

“The president’s statement not to hide the reality of poverty is laudable compared in the past where street dwellers and beggars were hidden,” sabi ni Orbos, idiniin na walang dapat ikahiya sa estado ng bansa.

(Anna Liza Villas-Alavaren)

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon