MULING susuriin ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) ang kanilang estratehiya makaraang ipahayag ng Department of Energy (DoE) na hindi na nito itutuloy ang $500 million E-trike Program, na popondohan ng Asian Development Bank (ADB).

Sa taunang General Management Meeting (GMM), sinuri ng EVAP ang epekto ng desisyon ng DoE sa kabuuang domestic electric vehicle industry, at umaapela sa ahensiya ng gobyerno na ipagpatuloy ang programa. Sa event, ipinahayag ni EVAP President Rommel Juan ang bagong roadmap para sa Philippine EV industry, na ginawa sa pakikipagtulungan sa Manila Electric Company (Meralco).

“It has come to our attention that the Electric Tricycle Program of the Department of Energy will be discontinued. If so, we the officers and members of EVAP would like to state our position on this matter, which is that the E-trike Program be continued for other electric-vehicle projects as a Green Financing Program that could be administered by other government agencies,” ani Juan sa event. “Our EVAP Executive Director Bong Cruz outlined the short, medium and long-term action plans of the new roadmap covering the next ten years which will be formally submitted to the BOI,” dagdag pa niya, ayon sa ulat ng Yahoo.

Inaamin ni Juan na ang desisyon ng DoE ay malaking dagok sa plano ng EVAP na mapasulong ang lumalaking local EV industry, ngunit naniniwala siya na malalampasan ito ng kanilang grupo, at hindi nito mapipigilan ang kanilang plano na makabuo ng 10-taon roadmap.

Noong nakaraang huling bahagi ng Nobyembre, nagdesisyon ang DoE na tapusin ang loan component ng E-trike Program, na makapipigil sa 100,000 interesadong bumili ng E-trike para pondohan ang kanilang pagbili nito.

Gayunman, natapos ang bidding para sa unang 3,000 unit at prinodyus ng winning supplier kaya inihayag ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi na magpapatuloy ang ahensiya sa unang paglalabas nito. Ang dahil sa pagpapatigil ng proyekto, ayon kay Cusi, ay ang kabiguan ng proyekto na makakuha ng sapat na mga interesado rito, na sanhi na rin marahil ng mataas na presyo.

“We implore the government to please help us sustain the momentum of the initial success of EVs in the country and help make the Philippines the EV hub of Asia. With government support, we can do it. Just please continue the DoE E-trike Program with a revised Terms of Reference,” saad ni Juan, at idinagdag na maaaring ipagpatuloy ng Department of Transportation at Department of Interior and Local Government ang iniwan ng DoE at kunin ang E-trike Program gamit ang mga financial institution ng gobyerno na maaaring magpautang.