Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum0

415 n.h. -- Meralco vs Mahindra

7 n.g. -- Star vs Alaska

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TATANGKAIN ng Mahindra, Star Hotshots at Alaska na mapagpag ang kalawang na dumikit mula sa mahabang bakasyon sa pagbabalik-aksiyon ng tatlong koponan sa OPPO-Philippine Cup elimination ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Mauunang sasalang ang Floodbusters na huling naglaro at nagwagi sa unang pagkakataon sa nakalipas na Pasko sa pakikipagtuos sa Meralco ganap na 4:15 ng hapon.

Magkakasubukan naman ang Hotshots at Aces ganap na 7:00 ng gabi.

Kasalukuyang magkasalo ang huling dalawang koponang nabanggit sa ikalimang puwesto hawak ang patas na barahang 3-3.

Unahang makabalik sa winning track at makapagtala ng ikaapat na tagumpay na magluluklok sa kanila sa ikatlong puwesto kasalo ng Globalport at ng Talk N Text.

Mauuna rito, magtatangka naman ang Floodbusters na masundan ang naitalang unang panalo ngayong season na isang overtime win kontra Blackwater Elite,97-93, na pumutol sa kanilang panimulang limang sunod na talo.

Para naman sa katunggaling Meralco, susubukang hanapan ni coach Norman Black ng solusyon ang kanilang problema na kakulangan ng slotman.

Magkasunod sa ilalim ng standings, sisikapin ng Bolts at ng Floodbusters na makaiwas na malaglag sa pinakabuntot.

(Marivic Awitan)