ANG pinakamalaking pandaigdigan kongregasyon ng mga breeder ng manok-panabong, sabungero at mga opisyonado ay magaganap sa Enero 13-15 sa SMX Convention Center katabi ng Mall of Asia sa pinakahihintay na All New 4th International Gamefowl Festival.

Tampok ang may 150 na magkakahiwalay na booth ng mga pinakamahuhusay at pinakasikat na gamefowl breeders na magpapakita at magbebenta ng kanilang mga signature breeds ng manok-panabong, ang All New 4thInternational Gamefowl Festival ay dadayuhin ng tinatayang 12,000 mananabong upang makasalamuha ang kanilang mga sabong-idols.

Isang tunay na katipunan ng mga nagmamahal sa tinale, ang listahan ng mga dayuhang bisita na kinabibilangan nina Victor Manuel Negrete Castañeda ng Peru, Antonio Calvo Romero ng Spain, David Salvatierra Galvez ng Peru, Byron Espinoza Aguirre ng Ecuador, Tu Guong ng Vietnam at mga Amerikanong sina Norland Blount, William Nall ng Kentucky, Howard Belk Jr., Norman Rockwell ng Tennessee at Carol Nesmith ng Alabama.

Ang tatlong-araw na kasayahan ay siya rin magbibigay-daan sa pinananabikang pagdaraos 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Enero 15 – 21 sa Resorts World – Manila.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA