UNTI-UNTING bumabalik si Selena Gomez sa social media.

Pagkaraan ng halos tatlong buwang pagpapahinga para mapabuti ang kanyang kalusugan, muling nagsama ang Kill Em With Kindess singer kasama ang dating co-star sa Wizards of Waverly Place na si David Henrie para sa kanyang pinakaunang Instagram story.

Limang taon pagkatapos ng Disney series, muling nagsama ang magkaibigan para tingnan kung ano ang maaaring gawin ng kanilang Wizards character ngayon, kung nagpatuloy ang series.

“You have kids. Alex is for sure single,” saad ni Selena, 24, na sinang-uyunan naman si Henrie, na nagsabing, “Yeah, Justin has, like, 15 children. Alex is single; she’s still trying to find herself. She’s now, like, 25, and she’s trying to figure things out.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“(Jake T. Austin’s) Max is lucky if he’s even found himself. Like, he’s literally lost,” sabi pa ni Henrie, habang tumatawa si Gomez. “He now just makes sandwiches on the street.”

Nag-post din si Selena ng dalawang larawan sa Instagram na pinagdududahan ng kanyang mga tagahanga na patikim para sa bagong Latin music na sinabi niyang ginagawa niya para sa nalalapit na album ng Mexican singer na si Paulina Rubio, na ilalabas ngayong taon. “Vente pa’ ca,” caption ng mang-aawit sa isa sa mga larawan, na nangangahulugang “come over here” at pamagat din ng single ni Ricky Martin noong nakaraang taon.

Kinansela ng Hands to Myself singer ang natitira pa niyang pagtatanghal sa Revival World Tour dahil sa kanyang panic attack at depression na dulot ng kanyang lupus diagnosis at inamin na nagiging mabuti na ang kalagayan niya.

“I took 90 days off,” inamin niya kamakailan. “During that time I did not have my cellphone. It was the most refreshing, calming, rejuvenating feeling. Now I rarely pick up my phone, and only limited people have access to me.”

(Entertainment Tonight)