vargas-cojuangco-copy

Ihahalal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang mga pinuno nito na inaasahang magpapatingkad muli sa kampanya ng ilang beses na kinilala bilang National Sports Association (NSA) of the Year sa isasagawang eleksiyon ngayong buwan ng Enero.

Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na ang orihinal na itinakdang isagawa sana nakaraang taon na eleksiyon ay isasagawa alinman sa huling linggo ng Enero o unang yugto ng Pebrero.

“We are just looking at the exact date based on the availability of our stakeholders,” sabi ni Picson, na kasamang dumalo ang pangulo nito na si Ricky Vargas sa isinagawang dalawang araw na inter-aksiyon na PSC-NSAs Directional Meeting sa Tagaytay Highlands sa Cavite.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Matatandaan na noong 2012 ay nausog din ang eleksiyon ng ABAP.

Una naman nagpahayag ng agad na eleksiyon si Vargas matapos mabigo ang dalawa nitong boksingero na sumabak sa 2016 Rio De Janeiro Olympics ng agad na eleksiyon sa asosasyon upang maisagawa ang ninanais nitong pagbabago.

Nagbitiw sa kanyang posisyon si Vargas bagamat muling kinonsidera nito ang desisyon matapos mapagtanto ang kailangan ng asosasyon sa liderato at pamamahala.

Umaasa naman ang kasalukuyang liderato na susuportahan ng susunod na mamumuno ang nailatag na nitong plano matapos ang eleksiyon.

Ipinaliwanag ni Picson na ipagpapatuloy ng ABAP ang mga bagay na kinakailangan nitong magawa tulad sa pagtatakda ng regular nitong planning session sa mga nalalapit na sasabakang torneo.

Ipinahayag din ni Vargas ang malawakang paghahanap ng talento at pagpapalawak sa recruitment program at training upang mas umani ng tagumpay sa iba’t ibang torneo.

Tatlong malaking torneo na lahat ay nakatakdang ganapin sa Agosto ang nasa listahan ng ABAP na una ang AIBA World Men’s Boxing Championships sa Germany, ang 29th SEA Games sa Malaysia at ang pagho-host ng bansa sa ASBC Asian Junior Boxing Championships. (Angie Oredo)