Malusog at masigla si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapagpahinga nitong holiday, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Tinuldukan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kumakalat na balita na may sakit ang 71 taong gulang na Pangulo, at sinabing walang dapat ipag-alala sa kondisyon nito.

“Ang ating Pangulo po ay healthy, he is in the pink of health, at kaya niyang patakbuhin ang ating bansa. Kaya niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas,” pahayag ni Andanar sa isang panayam sa radyo.

“Huwag po kayong mag-alaala at si Presidente po ay nakapagpahinga nitong New Year. So, ngayon ay full of energy po ang ating Pangulo para harapin ang lahat ng mga suliranin na kakaharapin po natin ngayong 2017,” dagdag niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkaroon ng “personal time” ang Pangulo simula nitong Bagong Taon, at nitong Biyernes lang muling nagpakita sa publiko upang bisitahin ang isang Russian anti-submarine destroyer sa Manila port. (Genalyn D. Kabiling)