Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Martes ay magtataas ng 10 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel kasabay ng pagtapyas ng 15 sentimos sa presyo ng kerosene, habang walang paggalaw sa halaga ng gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa kaparehong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipinatupad ng Flying V kahit wala pang abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Enero 3 nang nagdagdag ang Flying V ng 70 sentimos sa kada litro ng gasolina, 60 sentimos sa diesel at 55 sentimos naman sa kerosene. (Bella Gamotea)