ara-mina-copy

MALAPIT nang magkaroon ng presscon ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, ang Afternoon Prime ng GMA-7 na isa sa mga cast si Ara Mina. Kung sasagutin ni Direk Gina Alajar at ng production staff, malalaman kung ano ang reklamo ni Ara.

Nag-post kasi sa Instagram ang aktres na magku-quit siya sa isang show na kahit hindi tinukoy, nalaman agad na ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang tinutukoy niya. 

May nabanggit kasi siyang inintindi niya ang delays dahil pinangangatawanan niya ang kanyang contract at commitment.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naurong ang airing ng soap dahil na-extend ng ilang weeks ang papalitan nitong Sa Piling ni Nanay. Baka sa January 16, finally, mag-pilot na ito.

Interesado ang mga nakabasa sa post ni Ara sa binanggit niya na “na-experience ko ang pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now” at “I cannot allow them to devalue me any further.”

Ano kaya ang ginawa kay Ara para mag-post ng ganito at para gustuhing mag-quit sa isang soap? 

Si Ara ang gumaganap bilang ina ni LJ Reyes at sa TV plug, ipinapakita ang confrontation scene nilang dalawa.

Lalo pang pinaniwalaan na ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang tinutukoy ni Ara sa kanyang pagra-rant dahil nilinaw niyang hindi ang Star Cinema movie na My Ex and Whys ang binabanggit niyang project. (NITZ MIRALLES)