FORT LAUDERDALE, Florida (Reuters) – Isang beterano ng Iraq war ang namaril sa baggage carousel ng Fort Lauderdale’s international airport noong Biyernes na ikinamatay ng limang katao, at ikinasugat ng walong iba pa bago siya maaresto, sinabi ng mga opisyal.

Isinara ng aviation authorities ang air traffic na nagresulta sa pagkaka-stranded ng daan-daang biyahero.

Nakilala ang suspek na si Esteban Santiago, 26, at may taglay na US military identification, ayon sa tagapagsalita ni US Senator Bill Nelson ng Florida, na nakausap ng mga opisyal sa Transportation Security Administration (TSA).

Si Santiago ay nagsilbi mula 2007 hanggang 2016 sa Puerto Rico National Guard at Alaska National Guard kabilang ang deployment sa Iraq mula 2010 hanggang 2011, ayon sa Pentagon.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa