YANGON (AFP) – Sinabi kahapon ng United Nations na iimbestigahan ng human rights envoy nito ang tumitinding karahasan sa Myanmar, kabilang na ang madugong pagtugis ng militar sa mga Rohingya Muslim.

Sisimulan ni UN special rapporteur Yanghee Lee ang 12-araw na pagbisita sa Lunes, at tutunguhin niya ang Kachin state, kung saan libu-libo ang lumikas dahil sa digmaan ng ethnic rebels at army.

Ang matinding labanan ng militar ng Myanmar at ng mga katutubo ay naging lamat sa pangakong kapayapaan ni Nobel prize winner Aung San Suu Kyi.

Sinabi ni Lee na ‘’unacceptable’’ ang mga nangyayari at nanawagang imbestigahan ang mga sundalo sa diumano’y mga panggagahasa, pagpatay, at pagpapahirap sa mga sibilyan mula sa Muslim minority.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Itinanggi ng army ang mga akusasyon.

‘’The last few months have shown that the international community must remain vigilant in monitoring the human rights situation there,’’ pahayag ni Lee nitong Biyernes.