dimples-at-sylvia-copy

HOT topic online ang mainit na komprontasyon ni Gloria (Sylvia Sanchez) at ng kanyang mga anak sa The Greatest Love, kaya agad itong nanguna sa listahan ng trending topics nitong nakaraang Huwebes.

Umani ng libu-libong tweets ang hashtag ng episode na #TGLTheBloodWar, at nakibahagi ang netizens sa pagpapalitan ng iba’t ibang reaksiyon sa makapigil-hiningang eksena ng serye.

Sabi ni @SuperRayveeGaga, “Nakakaloka eksenang ito! Ito ang tunay na pasabog!”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi rin napigilan ni @JetMonticello ang pagpuri sa cast ng serye. “Sobrang heavy ng acting-an! Walang tapon,” sabi niya.

Maging ang TFC subscriber na si @tracy_erickson, hindi napigilan ang pagkasabik sa eksena. “Hindi ako makapaghintay mapanood ang “TGLTheBloodWar. Ito na lang talaga bumubuhay sa TFC ko,” saad niya.

Bukod sa netizens, mainit din ang suporta ng mga manonood sa serye kaya nagtala ito noong Huwebes ng national TV rating na 17%, kumpara sa katapat nitong programa na Sa Piling ni Nanay na nakakuha lamang ng 12.6%.

Samantala, sa Lunes (Enero 9), haharap na sa pinabagong kabanata ng kanyang buhay si Gloria dahil ipagtatapat na niya sa kanyang mga anak na hindi na magtatagal ang kanyang buhay.

Maging maayos na kaya ang pamilya ni Gloria bago pa mahuli ang lahat? Mapatawad na kaya nila ang bawat isa?

Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak sa The Greatest Love tuwing hapon, pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).