Tinapos na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa multi-billion peso drug bust sa San Juan City noong Disyembre 23.

Ito ay matapos mabigong makapagsumite ng kanilang written defense sa mga reklamong paggawa, pamamahagi, pag-iingat at pangangalakal ng ilegal na droga ang mga suspek na Chinese na sina Shi Gui Xiong, alyas “Xiong”; Che Wen De, alyas “Jacky Tan”; at Wu Li Yong, alyas “David Go”.

Matatandaang binigyan ng pagkakataon ng DoJ ang tatlong suspek na magkapagsumite ng kanilang depensa ngunit hindi tumugon ang mga ito dahilan upang tuldukan ng ahensiya ang imbestigasyon. (Beth Camia)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon