Dahil sa pagtatalo sa electricity bill, pinaputukan sa ulo ang isang tricycle driver ng lalaking kasama niya sa bahay sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Salahudin Matiagal, 28, ng Block 11 Extension, Baseco Compound, Port Area habang nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Muktar Naga, alyas “Tario”, tinatayang nasa edad 29, at residente rin ng naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Jorlan Taluban, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 9:05 ng gabi nitong Miyerkules nangyari ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng suspek at ng biktima.

Sa salaysay sa pulisya ng asawa ni Salahudin na si Sarah Matiagal, 26, sinusubukan umano nilang i-refund mula sa suspek ang kanilang share sa bayarin sa kuryente nang biglang lumabas sa kuwarto ang suspek na armado na ng baril.

Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Tumakbo umano sa loob ng kuwarto si Salahudin at tuluyang pinaputukan ng suspek hanggang sa bumulagta ang una.

(Mary Ann Santiago)