tom-at-lovi_-copy-copy

MAGTATAPOS ngayong gabi ang Someone To Watch Over Me ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez at Lovi Poe.

Nagsimulang light lang ang istorya ng family drama pero pagdating sa kalagitnaan, puro drama na ang napanood at gabi-gabing pinaiiyak ang viewers.

“This is the most painful role I’ve portrayed,” sabi ni Lovi. “Kahit ten years na ako sa showbiz at marami na akong ginampanang role, iba rito si Joanna (character niya). Ang daming level ng pain ang naranasan ni Joanna. Mahirap siya emotionally, pero iba ang fulfillment. This is the most role that I was really attached.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Totohanan ang iyak at tunay ang iniluha ni Lovi sa taping, dahil binabasa pa lang niya ang script, lalo na towards the end of the story, naiiyak na siya.

“It’s a beautiful show at sobra akong thankful na ibinigay sa akin si Joanna. I’m gonna miss her. Tuwing nag-uusap kami ni Direk Maryo (J. delos Reyes), naiiyak ako. Hindi ko alam if after this, may darating pang kasing-ganda sa role at karakter ni Joanna. Hindi siya martyr, she’s only fighting for her love for her husband,” sabi pa ni Lovi.

Nag-work ang tambalan nina Tom at Lovi at hindi na nila kailangang gumimik na nagkainlaban. Dahil sa magandang istorya at script, galing nila sa pag-arte at kahusayan ni Direk Maryo ay minahal ng viewers ang Someone To Watch Over Me.

Anyway, kagagaling ni Lovi sa bakasyon sa Thailand with her special someone na si Chris Johnson. Umuwi naman sa Yuma, Arizona si Tom to spend Christmas and New Year with his family. Sumunod sa kanya roon si Carla Abellana at sabay na silang babalik ng bansa. (NITZ MIRALLES)