Bukod sa maaaring pagnipis na reserba sa kuryente sa susunod na buwan, napipinto rin ang dagdag na P1.20 kada kilowatt hour (KWH) sa singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ito ang taya ng Department of Energy (DoE) bunsod nang nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Facility mula Enero 28 hanggang Pebrero 18.

Sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na dahil sa pagtigil ng operasyon ng Malampaya ay mapipilitang gumamit ng diesel ang ibang planta ng kuryente na magreresulta sa pagtataas ng singil sa kuryente.

Ayon sa DoE, mula Pebrero 13 hanggang 17 ay maaaring magtaas ng yellow alert dahil mababawasan ang reserba sa kuryente.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

Pag-aaralan naman ng Meralco kung magkano ang idadagdag sa sisingilin sa mga customer nito.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriga, patuloy ang kanilang payo sa publiko na ugaliing magtipid sa paggamit ng kuryente. (MARY ANN SANTIAGO)