jessy-copy

NAPAKA-DARING ng gagampanang role ni Jessy Mendiola sa episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong Sabado, bilang escort girl na iibig sa isang pulis.

Sa unang tingin at tila taglay na ni Lyka (Jessy) ang lahat. Bukod sa napakaganda at matalino ay lumaki siyang ibinibigay ng mga magulang ang lahat ng kanyang gusto. Pero hindi pa rin ito sapat dahil limitado ang kanyang kilos dahil sa napakahigpit ng kanyang ama.

Nakamtan at naranasan niya ang kalayaan na matagal na niyang inaasam nang tumuntong siya sa kolehiyo. Dahil sa impluwensiya ng mga kaibigan, natuto siyang mag-clubbing gabi-gabi, at makipag-date sa iba’t ibang lalaking nagbibigay sa kanya ng mga mamahaling bagay.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Natuto na rin siyang magsinungaling sa kanyang mga magulang at tuluyan nang napabayaan ang kanyang pag-aaral, kaya nawalan ng tiwala sa kanya ng mga magulang niya.

Isang araw, hindi inaasahan ang pagkikilala nila ng pulis na si Mike Mike (Carlo Aquino) na matututuhan niyang mahalin.

Abangan kung paano mababago ang buhay ng dalaga sa pagdating ni Mike sa buhay niya. Maibabalik pa kaya ni Lyka ang nawalang tiwala sa kanya ng magulang niya?

Makakasama nina Jessy at Carlo sa MMK ngayong Sabado sina Christian Vasquez, James Blanco, Simon Ibarra, Shy Carlos, Myrtle Sarrosa, Michelle Ortega, Menggie Cobbarubias, Kim Molina, RJ Ledesma, Minco Fabregas,at Rona Cheng. Ang episode ay mula sa panulat nina Arah Badayos at Benson Logronio at sa direksiyon ni Dado Lumibao. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito saiwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.