STO. DOMINGO, Nueva Ecija — Isang 46-anyos na magsasaka ang grabeng nasugatan nang pagtatagain at pagpapaluin ng pala ng kapwa magsasaka na nakaalitan niya dahil sa pagpapatubig at paggayak ng bukirin noong Martes.

Malubha ang kalagayan ni Eliseo Villanueva matapos siyang pagtulungan ng mga kaalitan na sina Maximo Andres, 66, at Carlos Andres, 36, ayon sa police report.

Nakatakbo naman ang kapatid ni Eliseo na si Carlos Villanueva.

Sinabi ng pulisya na nagkasagutan ang mga Villanueva at Andres tungkol sa patubig sa bukid na pag-aari ng isang Thelma Castro bago nangyari ang gulo.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nauwi ang mainit na sagutan sa away kung saan nasukol ng mga Andres si Eliseo at kinuyog. (Light A. Nolasco)