Nahaharap sa kasong aborsiyon ang isang waitress nang aminin nitong inilaglag niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang naka-confine sa Ospital ng Maynila ang suspek, 26, ng Pandacan, Maynila matapos niyang ipalaglag ang magli-limang buwang gulang niyang anak.

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:20 ng hapon nang madiskubreng patay na ang sanggol ng biktima.

Nang kapanayamin ng mga pulis, inamin ng suspek na dakong 9:00 ng gabi noong Enero 2, 2017, habang siya’y nagtatrabaho sa isang restaurant sa Buendia, Makati City, ay uminom siya ng pampalaglag. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!