tom-at-nicole-copy

KABILANG sa mga pinarangalan sina Tom Hanks at Nicole Kidman sa Palm Springs International Film Festival nitong Lunes ng gabi sa pagsisimula ng 2017 awards season.

Nakatanggap ang Oscar winner na si Tom Hanks ng “Icon Award” para sa kanyang pagganap sa Sully bilang ang pilotong si Chesley Sullenberger, na noong 2009 ay matagumpay na naisagawa ang emergency landing sa Hudson River.

Ipinagkaloob naman kay Nicole ang “International Star Award” para sa Lion, na siya ang gumanap bilang Australian woman na umampon ng isang batang Indian.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama rin sa mga pinarangalan sa Film Award Gala ng festival sina Andrew Garfield na tumanggap ng “Spotlight Award” para sa kanyang pagganap sa war drama ni Mel Gibson na Hacksaw Ridge at Natalie Portman na ginawaran naman ng “Desert Palm Achievement Award, Actress” para sa kanyang pagganap bilang Jacqueline Kennedy sa Jackie.

Nakuha naman ng aktor ng Manchester by the Sea na si Casey Affleck ang “Desert Palm Achievement Award.”

Si Amy Adams na nagbida sa Arrival ang tumanggap ng “Chairman’s Award,” si Anneth Bening ang pinagkalooban ng “Career Achievement Award,” at kinilala naman ang aktor ng Moonlight na si Mahershala Ali sa kategoryang “Breakthrough Performance.” (Reuters)