DOHA, Qatar (AP) — Sinimulan ni world No.1 at top rank Andy Murray ang bagong taon sa impresibong 6-0, 7-6 (20 panlo kontra Jeremy Chardy ng France sa Qatar Open nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nahila ni Murray ang winning streak sa career-best 25 sunod na laro. Nakopo niya ang No. 1 ranking bago matapos ang 2016 nang gapiin ang dating No.1 na si Novak Djokovic sa ATP Finals championship match.

Sinalubong ng hiyawan at pagbati si Murray ng crowd na dumagsa sa torneo na nadomina niya noong 2008 at 2009.

Iwinagayway din ang placard na may nakalimbag na “Welcome to Doha Sir Andy”, patungkol sa bagong titulo na ipinagkaloob sa kanya ni Queen Elizabeth ng Britain kamakailan.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Nagawang magwagi ni Murray sa opening set na may isa lamang unforced error at pitong winner. Sa kabuuan, naitala niya ang siyam na unforced error at 18 winner.

Sunod na makakaharap ni Murray si Gerald Melzer ng Austria.

Umusad din si fifth seeded Jo-Wilfried Tsonga ng France, huling naglaro sa Doha noong 2012, nang pabagsakin si Andrey Kuznetsov ng Russia 6-1, 4-6, 6-2. Sunod niyang makakaharap si Dustin Brown ng Germany.